Posted April 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Marami-rami na rin ngayon ang mga nabaklas na mga poster
at campaign materials ng mga kandidato ang Commission on Elections (Comelec)
Malay.
Ito ay dahil sa nagpapatuloy na “Oplan Kakas” ng COMELEC
kung saan karamihan sa mga binaklas ay ang mga poster na nakapako sa punong
kahoy at sa mga ipinagbabawal na lugar.
Ayon kay COMELEC Provincial Information Officer Chrispin
Raymund Gerardo at natakalaga ngayon bilang Comelec Officer ng Malay nasimulan
na umano nila ang pagbabaklas sa ibang lugar sa nasabing bayan.
Sinabi nito na inuna nila ang mga nasa shoreline dahil
pangit umano itong tingnan sa mga mata ng mga dumaraang turista.
Samantala, ipagpapatuloy naman umano nila ang kanilang
“Oplan Kakas” sa Caticlan hanggang sa isla ng Boracay sa susunod na linggo.
Nabatid na ipinagbabawal na maglagay ng mga poster sa patrol
cart, waiting shed, tulay, side walk, government agencies, public utility
vehicle at motorsiklo.
No comments:
Post a Comment