Posted April 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong Martes na ang huling Session ng Sangguniang Bayan
ng Malay bago ang halalan sa Mayo 9, 2016.
Ito ay base sa napagkasunduan ng buong konseho para
bigyang daan ang pangangampanya ng mga kandidatong kasama sa eleksyon.
Dahil dito, lahat ng mga nakabinbing usapin na hindi pa
natapos at naaprobahan ay tatalakayin na ngayong Martes.
Maliban dito ito na rin ang huling pagdalo sa session ni
SB member Rowen Aguirre na siyang chairman of committee on Laws dahil sa
pagtatapos ng kanyang termino.
Samantala, ang naturang kasunduan ay tinawag na recess
kung saan nakatakda na ang susunod na session matapos ang halalan at inaasahang
pagbabago ng grupo ng konseho.
No comments:
Post a Comment