Posted April 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Wala muna umanong
magaganap na contest ngayong taon ang Fiesta de Obreros sa bayan ng Malay sa
Mayo 1, 2016.
Ayon kay Malay Tourism
Receptionist 2 at In-charge for Culture Arts and Special Event Rex Aguirre,
hindi muna umano matutuloy ang pa-contest sa mga kabataang sasali sa Fiesta de
Obreros dahil sa problema sa budget.
Aniya, bagamat
walang magaganap na contest ay magkakaroon naman sila ng actual presentation sa
nasabing petsa kung saan irere-present din nila ito sa gaganaping 60th Aklan
day sa bayan ng Kalibo sa darating na Abril 25 ngayong taon.
Samantala, sinabi
pa ni Aguirre na bagamat may nakabinbin naman silang budget para sa Drum at
Lyre competition ay makikipagpulong umano sila sa mga guro ng mga estudyanteng lalahok
kung sila ba ay preparado dahil narin sa mga sunod-sunod na aktibidad na nangyari.
No comments:
Post a Comment