Posted April 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nanlumo ang
lalaking nag-sumbong sa Boracay PNP matapos umanong mabiktima ang kanyang
sari-sari store ng kawatan sa Sitio Hagdan Brgy.Yapak, Boracay.
Ayon sa blotter
report nakilala ang biktima na si Ruben Coloma 54-anyos residente ng Sitio
Diniwid, Brgy. Balabag.
Sa report nito sa
Boracay PNP, papasok na umano siya sa kanyang tindahan ng madatnan niya ang kanyang paninda na nakakalat na at ang
plywood sa likurang bahagi ng tindahan ay nasira.
Sa pag-susuri
naman ng biktima sa loob ay dito niya napansin na ang kanyang piggy bank na
nag-lalaman ng mga barya na kinita mula sa tindahan ay nawawala na kung saan
may laman itong nagkakahalaga na P3, 500.
Samantala, base
naman sa salaysay ng land lady ng biktima ay may nakita umanong pumasok ang
kanilang kapitbahay sa loob ng tindahan na hindi naman nito nakilala.
No comments:
Post a Comment