Posted April 1, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ipinasususpendi umano
ngayon ang planong pagpapatayo ng bahay ng National Housing Authority o (NHA)
sa Brgy. Briones, Kalibo, Aklan.
Itoy kaugnay sa
apela ng National Irrigation Administration (NIA) sa SP Aklan para suriin muna
ang lugar na pagtatayuan ng kabahayan dahil umano sa kanilang nakikitang
problema kung saan dapat umanong maglaan ng lugar ang mga developer sa
pagdadaluyan ng tubig dito.
Sa ginanap na 10th
SP Regular Session, inihayag dito ang inaasahang magiging problema kung hindi
muna i-check ang lugar at para hindi umano maapektuhan ang mga manggagawa at
mga taong naninirahan dito.
Samantala, ini-refer
naman ang naturang usapin sa Brgy. Council ng Briones at developer kung saan magkakaroon
umano sila ng agreement tungkol dito, kung saan labas na dito sa naging usapin ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.
Nabatid na
mahigit 851 na kabahayan ang itatayo sa lugar at ang mga biktima ng bagyong
Yolanda ang maninirahan dito.
No comments:
Post a Comment