Posted April 1, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sumailalim na nitong nakaraang araw sa testing ang bagong
install na Kalibo Traffic Lights sa crossing Banga-New Washington sa bayan ng
Kalibo.
Ngunit sa kabila nito, hindi parin tinatanggal ang
Rotonda Sarok sa gitna ng kalsada na sinasabing tatanggalin sa sandaling
ma-install ang nasabing traffic lights.
Nabatid na ito ang kauna-unahang Traffic Lights sa
probinsya ng Aklan dahil na rin sa patuloy na pagdami ng mga sasakyan at
pag-asenso ng lalawigan.
Samantala, hati naman ang reaksyon ng publiko sa
pagpapatayo nito kung saan sinasabi ng iba na mas maganda pa umano ang
roundabout dahil sa hindi na kailangan ang intayan ngunit pabor naman rito ang
iba dahil madami umanong mga driver ang hindi nagbibigayan ng linya partikular
sa crossing kung saan dumadaan ang halos karamihan sa mga sasakyan.
No comments:
Post a Comment