Posted March 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na naman ngayong kinilala ang isla ng Boracay
matapos itong mapabilang sa World's top Eleven destinations 2016.
Base sa datus na inilabas ng Cheapflights.com. nasa
ika-labin isa ang Boracay kung saan nanguna naman rito ang Melbourne sa Australia,
sinundan naman ng Newcastle England at pumangatlo ang Buenos Aires, Argentina.
Kabilang naman sa ika-Apat na puwesto ang Halifax, Nova
Scotia, Cambodia; ika-lima ang Siem Reap; Pang-anim ang Chiang Mai, Thailand; sumunod
ang The Floreda Keys, Pang-Walo ang Auckland, New Zealand; Pang-siyam ang
Galway, Ireland; Pang-sampu naman ang Barcelona Spain at ang Boracay na nasa-ika
Labin isang puwesto.
Nabatid na ang cheapflights.com. ay kumikilala sa mga
magagandang lugar sa buong mundo na dinarayo ng maraming turista kung saan ang
pikalayunin din nila ay mag-offer ng mababang presyo sa mga nais mag-travel sa
ibat-ibang bansa sa mundo.
Ang Boracay ay patuloy na namamayagpag dahil sa angking
ganda nito dahil sa malapulbos na buhangin at ibat-ibang island activity kasama
ang masayang night life na nagpapasigla ng gabi ng isla.
No comments:
Post a Comment