Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Matapos ang Semana Santa ay agad ng nagsulputan ang mga
campaign materials ng mga local candidates sa mga ipinagbabawal na lugar ng
Comelec.
Dahil dito muling pinaalalahanan ng Commission on
Elections (Comelec) Aklan na maglagay lamang ng mga nasabing materials sa mga
itinalagang common posting areas.
Napag-alaman kasi na sa pagsisimumula ng kampanya ng mga
lokal na kandidato nitong Sabado ay makikita na nagkalat ang mga materyales
kagaya ng mga naglalakihang tarpaulin at stickers ng pulitiko.
Maliban dito, makikita din ang mga larawan ng mga
pulitiko na nakakabit sa punong kahoy kung saan mahigpit itong ipinagbabawal ng
DENR.
Samantala, pinayuhan naman ng Comelec ang publiko na
isumbong sa kanilang tanggapan ang mga pasaway na naglalagay ng mga poster sa
hindi designated na lugar.
Ang mga poster ay kailangan lamang ilagay sa mga
pampublikong lugar kagay ng Plaza o sa mga kabahayaan kung may pahintulot mula
sa may-ari ng tahanan.
No comments:
Post a Comment