Pages

Friday, April 01, 2016

Planong pagpapatayo ng bahay ng National Housing Authority, ipinasuspendi

Posted April 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for agreementIpinasususpendi umano ngayon ang planong pagpapatayo ng bahay ng National Housing Authority o (NHA) sa Brgy. Briones, Kalibo, Aklan.

Itoy kaugnay sa apela ng National Irrigation Administration (NIA) sa SP Aklan para suriin muna ang lugar na pagtatayuan ng kabahayan dahil umano sa kanilang nakikitang problema kung saan dapat umanong maglaan ng lugar ang mga developer sa pagdadaluyan ng tubig dito.

Sa ginanap na 10th SP Regular Session, inihayag dito ang inaasahang magiging problema kung hindi muna i-check ang lugar at para hindi umano maapektuhan ang mga manggagawa at mga taong naninirahan dito.

Samantala, ini-refer naman ang naturang usapin sa Brgy. Council ng Briones at developer kung saan magkakaroon umano sila ng agreement tungkol dito, kung saan labas na dito sa naging  usapin ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.

Nabatid na mahigit 851 na kabahayan ang itatayo sa lugar at ang mga biktima ng bagyong Yolanda ang maninirahan dito.

No comments:

Post a Comment