Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nauwi sa pananaksak ang inuman ng dalawang lalaki sa
Brgy. Cubay, Norte, Malay, Aklan kahapon ng alas-5 ng hapon o Easter Sunday.
Nakilala ang biktimang si Ricarido Magbanua 40-anyos
habang ang suspek ay kinilala namang si Sandy Dominggo 39-anyos na parehong
residente ng nasabing lugar.
Base sa inisyal na report ng Malay Municipal Police
Station, nag-iinuman umano ang biktima at ang suspek kasama ang iba pa nilang
kaibigan sa isang sari-sari store sa lugar ng magkaroon ng mainit na argumento
sa pagitan ng dalawa.
Dahil dito agad na sinaksak ng suspek ang biktima gamit
ang isang patalim o bolo na tumama sa kanyang kanang bahagi ng tiyan.
Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang naka-kustudiya sa
Malay PNP Station, habang ang biktima ay
mabilis na naisugod sa Baptist Hospital sa Caticlan Malay matapos ang naganap
na insidente.
No comments:
Post a Comment