Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na rin pinaabot ng buwan ng Abril ang pag-aproba sa
annual budget ng Local Government Unit ng Malay para ngayong 2016.
Sa 13th Regular SB Session ng Malay nitong
Martes nakapaloob sa 3rd at final reading ang resolution na
nag-aaproba sa nasabing budget na nagkakahalaga ng P400 Milyon.
Ang pag-aproba ay pinangunahan mismo ni Chairman of
Committee on Laws at SB member Rowen Aguirre na sinang-ayunan naman ng buong
konseho.
Dahil dito ikinatuwa naman ng mga department heads ang
naturang balita kung saan masisimulan na rin umano ng mga ito ang kanilang
ibat-ibang proyekto na nakabinbin.
Matatandaang na-delay ang pag-aproba sa nasabing budget
dahil dumaan pa ito sa mahabang deliberasyon ng konseho.
No comments:
Post a Comment