Posted March 31, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit to Datu Yap |
Nahuli na ng mga pulis ang dalawang suspek na nambiktima
sa isang Money Changer nitong nakaraang araw sa D’Mall Boracay station 2.
Sa panayam ng himpilang ito kay P01 Anthony Balderama, Desk
Officer ng Malay PNP, nahuli umano nila ang dalawang suspek sa tulong ng mga security
guard ng Caticlan Jetty Port kung saan sila na tiklo kaninang umaga.
Ayon kay Balderama, sinasabing mula sa Boracay ang dalawa
at pupunta sanang siyudad ng Iloilo ng mga corner ng mga otoridad.
Kinilala naman ang dalawang suspek na sina Vicente Galecia
ng Bohol, habang ang isa naman ay si Hector Paredes ng Barotac Viejo Iloilo.
Agad namang dinala ang dalawa sa Malay PNP at ikinulong
kung saan nakuha din sa kanila ang ilan sa pera na kanilang ninakaw sa nasabing
money changer sa Boracay.
Nabatid na nagpapalit umano ang isa sa mga suspek ng 1600
US Dollar sa money changer kung saan aabot ito sa P74, 000 nitong Martes ng
gabi.
Nang mapalitan ay agad umanong tinago sa bulsa ng suspek
ang P50, 000 sabay sabing ibabalik nalang nito ang pera at sa iba nalang
magpapalit.
Dito naman pinasa ng suspek ang nakuhang pera sa
paparating na kasama na tila nanlito sa nagbibilang na kahera ng money changer.
Ang nasabing insidente ay kitang-kita naman sa CCTV
camera kung saan agad na namukhaan ang dalawang suspek.
Samantala nakatakda namang e-inquest sa BJMP ngayong
hapon ang dalawang suspek kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong Estafa.
No comments:
Post a Comment