Posted March 30, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tumaas ngayon ng walong porsyento ang naitalang tourist
arrival sa Boracay nitong Holy Week kumpara sa kaparehong petsa noong 2015.
Base sa datus na inilabas ng Municipal Tourism Office
(Mtour) Malay pumalo sa 49, 026 ang tourist arrival nitong Holy Week, kung
ikukumpara sa Holy Week tourist arrival na 45, 055 ng nakaraang taon.
Sa nasabing datus simula Marso 29 hanggang Ester Sunday
ang kinuhang kabuuang total ng Mtour kung saan nagpapakita na ang Huwebes Santo
ang siyang may pinakamaraming turistang pumunta sa isla ng Boracay na may
bilang na 11, 096.
Samantala, Local tourist naman ang may pinakamaraming turistang
pumunta sa Boracay nitong Holy Week kung saan umabot ito sa 26, 513 na sinundan
naman ng Foreign tourist na may bilang na 17, 453 at OFW na 820.
Nabatid na isa ang isla ng Boracay sa dinarayong lugar sa
bansa tuwing Semana Santa dahil sa mahabang bakasyon kahit na sa kabila ng
pagbabawal ng “No Party” tuwing Biyernes Santo.
No comments:
Post a Comment