Posted March 29, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Maga pa ang ilong ng isang babae na nagsumbong sa Boracay
PNP matapos umano siyang suntukin ng
isang security guard ng isang bar sa Sitio Bantud Brgy. Manoc-manoc, Boracay
kaninang madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Sheryl Velasco 28-anyos
residente ng Brgy. Bagacay, Ibajay, Aklan at temporaryong nakatira sa Brgy.
Balabag, Boracay.
Sa report ng Boracay PNP, nag-iinuman umano ang biktima
kasama ang kaibigan nito sa loob ng bar ng biglang nagkaroon ng mainitang
diskusyon sa dalawa kung saan binuhusan ito ng alak ng kanyang kaibigan.
Dahil dito, inawat ng security guard ang dalawa ngunit
agad naman nitong sinuntok ang nasabing biktima na tumama sa ilong nito na
nagresulta ng pagkasugat.
Samantala, agad namang nagka-ayos ang dalawang panig
matapos ang nangyaring insidente.
No comments:
Post a Comment