Pages

Monday, April 11, 2016

Balikatan Contingents sinalubong ng BAG sa Boracay

Posted April 11, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay

Mainit na sinalubong ng Boracay Action Group o (BAG) ang US Marine Balikatan Contingents na bumisita sa isla nitong nakaraang araw.

Ang grupo ni US Marine Major Justin McGruy ay nakipagkita at nakipagpulong sa isang hapunan na inorganisa ni BAG Consultant Leonard Tirol na ang layuning ay para maibahagi ang mga ginagawang inisyatibo ng Boracay Action Group para sa seguridad ng isla.

Ayon naman kay US Military Support Operation Staff Christopher Lindsey, nasa Panay Island ang kanilang tropa para sa ginagawang community outreach at humanitarian assistance at pagsasanay sa mga responders sa mga bayan ng Jamindan at Tapaz sa Capiz at Dingle sa probinsya ng Iloilo na bahagi ng Balikatan Exercise.

Ang AFP o Armed Forces of the Philippines umano ang pumili sa mga nabanggit na lugar kung saan maliban sa pagsasanay-militar ay tumutulong din sila sa pagsasaayos at pagpipintura ng mga paaralan at pakikisalamuha sa kulturang Pilipino.

Nagsimula ang Balikatan sa Panay nitong April 4 at magtatapos sa April 16 taong kasalukuyan kasabay ng kahalintulad na aktibidad sa ibang probinsya sa Pilipinas kasama na ang Palawan.

Samantala, ikinagalak naman ng mga contingents ang pag-asikaso sa kanila ng Boracay Action Group sabay papuri sa gandang taglay ng isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment