Posted March 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na umano mahihirapan ang mga turistang maliligo sa
beach area sa station 3 sa sandaling ipagbawal ng LGU Malay ang pagdaong at
pagtambay ng mga bangka rito.
Ito ang sinabi ni Manoc-manoc Brgy. Captain at Liga
President Abram Sualog sa ginawang panayam ng himpilang ito.
Ayon kay Sualog , lahat ng mga bangka sa station 1 at
station 3 ay hindi na kailangang tumambay sa naturang area dahil ilalagay na
umano ang mga ito sa Brgy. Sambiray sa mainland Malay kung hindi naman umano
sila nagsasagawa ng operasyon.
Maliban umano rito, ay ipinagbabawal din ang pagdaong
doon ng mga island hopping na bangka ng mga asosasyon sa Boracay sa tuwing
walang operasyon.
Nabatid na ang usaping ito ay kaugnay sa Omnibus
Ordinance na pinag-isa ni Sualog sa Boracay kung saan naka-calendar na umano
ito sa committee report saka isasailalim sa 2nd reading at sa 3rd
at final reading sa susunod na SB Session ng Malay bago isumite sa Sangguniang
Panlalawigan para sa review.
Samantala, tiniyak naman ni Sualog na ang nasabing
ordinansa ay maihahabol bago ang super peak season sa Boracay kung saan dumadagsa
ang maraming turista.
No comments:
Post a Comment