Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng
Sangguniang Bayan ng Malay hinggil sa mga sinasabing may mga special permit na
single motorcycle sa Boracay.
Ito’y matapos talakayin sa ika-10th Regular SB
Session ng Malay kahapon ang nakaraang Privilege speech ni SB Member Frolibar
Bautista, tungkol sa umanoy mga single motorcycle na mayroong peking permit to
transport.
Sa report ni Bautista sinasabi nito na mayroong nasa
likod ng katiwalaan kung kayat ipinag-utos naman nito sa Committee on
Transportation na imbestigahan ang naturang pamemeke.
Sa kabila nito, mayroon din umanong mga motorsiklo na
hinuhuli sa Boracay dahil sa nasabing permit kung saan ang penalidad ay P2, 500
ngunit dumadating umano sa sistema na nagiging P500 nalang ang kanilang
babayaran dahil may sa likod din umanong nag-mamanipula nito.
Samantala, pinaiimbestigahan na rin ngayon ng Sangguniang
Bayan kung patuloy parin ang nasabing sistema ng hindi pagsunod ng tamang
paniningil sa penalidad P2, 500 na itinakda ng LGU Malay.
No comments:
Post a Comment