Posted March 11, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Semana Santa o Holy Week ang isa sa mga araw na dinadagsa
ng maraming turista ang isla ng Boracay dahil sa mahabang bakasyon.
Dahil dito ikinakasa na rin ngayon ng Jetty Port
Administration ang kanilang paghahanda para sa pagdagsa ng maraming turista sa
Boracay.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port
Administration, ngayon umanong darating na Marso 15, 2016 ay nakatakda silang
maglatag ng meeting kasama ang mga law enforcement agencies at iba pang ahensya
ng gobyerno para pag-usapan ang ihahandang seguridad.
Dito nakatakda umano nilang ilatag ang “Oplan Ligtas
Biyahe” na ipapatupad bago ang pagsisimula ng Semana Santa hanggang sa Marso
28.
Katuwang umano nila rito ang Philippine Coastguard na
mahigpit na magpapatupad sa biyahe ng mga bangka gayon din ang mabusising
inspeksyon sa mga bagahe ng mga pasahero kasama na ang sa Ro-ro vessel.
Nabatid na libo-libong mga Pinoy kasama na ang mga
foreign tourist ang pumupunta sa isla ng Boracay sa panahon ng kwaresma o
paggunita sa pagkamatay at pagkabuhay ni Hesu Kristo kung saan walang pasok sa
mga paaralan, tanggapan ng gobyero at ilang mga private offices bansa.
No comments:
Post a Comment