Pages

Tuesday, March 08, 2016

Pagtambay at pagdaong ng mga bangka sa station 3 at 1 Boracay, nakatakdang ipagbawal

Posted March 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi na umano mahihirapan ang mga turistang maliligo sa beach area sa station 3 sa sandaling ipagbawal ng LGU Malay ang pagdaong at pagtambay ng mga bangka rito.

Ito ang sinabi ni Manoc-manoc Brgy. Captain at Liga President Abram Sualog sa ginawang panayam ng himpilang ito.

Ayon kay Sualog , lahat ng mga bangka sa station 1 at station 3 ay hindi na kailangang tumambay sa naturang area dahil ilalagay na umano ang mga ito sa Brgy. Sambiray sa mainland Malay kung hindi naman umano sila nagsasagawa ng operasyon.

Maliban umano rito, ay ipinagbabawal din ang pagdaong doon ng mga island hopping na bangka ng mga asosasyon sa Boracay sa tuwing walang operasyon.

Nabatid na ang usaping ito ay kaugnay sa Omnibus Ordinance na pinag-isa ni Sualog sa Boracay kung saan naka-calendar na umano ito sa committee report saka isasailalim sa 2nd reading at sa 3rd at final reading sa susunod na SB Session ng Malay bago isumite sa Sangguniang Panlalawigan para sa review.

Samantala, tiniyak naman ni Sualog na ang nasabing ordinansa ay maihahabol bago ang super peak season sa Boracay kung saan dumadagsa ang maraming turista.

No comments:

Post a Comment