Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa ibinigay na
schedule ng Holy Rosary Parish, nakalatag na ang schedule sa susunod na linggo
March 20 Palm Sunday alas 8:00 ng umaga na pangungunahan ni Bishop Jose Corazon
Tala-oc, sa March 21 naman ang “Kumpisalang Bayan” sa pareho ring oras, March
22 naman alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang Visitataion of Apostoles,
sa Holy Wednesday naman ng March 23 ang Novena to the Our Lady of Perpetual
Help ng alas-4:30 ng hapon.
Samantala, sa
Huwebes Santo naman ay magkakaroon ng Mass of the Last Supper sa ganap na
alas-4 ng hapon.
Sa Marso 25 naman
o Good Friday , araw kung kelan namatay ang panginoon ay sisimulan ang
aktibidad sa pamamagitan ng Live Station of the Cross na susundan ng Confession
at Siete Palabras sa ganap na alas-12 ng tanghali.
Ang Commemoration
naman sa pagkamatay ng panginoon ay mangyayari alas 3 ng hapon.
Sa Black Saturday naman ng alas-8 ng gabi ang
Easter Vigil Mass March 26, at sa Easter Sunday o Linggo ng pagkabuhay , alas
-5 ng umaga ang misa ng “Pagsalubong” at susundan ito ng alas-10 na may
Pre-Baptismal Catechesis.
Ang Semana Santa
ay isa sa pinakamahalagang relihiyosong debosyon ng mga Pilipino kung saan isinasagawa
ang lahat ng ito upang alalahanin ang mga paghihirap at ang pagkamatay ni Hesus
para sa sangkatauhan.
No comments:
Post a Comment