Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Bilang pag-gunita
ng Womens Month Celebration mahigit 600 na kababaihan ang dumalo sa inorganisang
programa sa Capitol Building ng Kalibo ngayong araw.
Ito umano ay
inorganisa ng Aklan Gender and Development Commission (AGDC) kung saan naging bahagi
rin umano dito ang ibat-ibang ahensya ng Kalibo.
Ayon kay
Secretary Mevelyn Mendoza ng (AGDC), nabigyan umano ang mga kababa-ihan mula sa
ibat-ibang bayan libreng serbisyo kagaya ng paggugupit, massage, Pneumonia
Vaccine, Oral dental Chech-up, HIV testing at marami pang-iba.
Layunin naman ng
nasabing programa na mabigyan ng tamang suporta ng LGU Kalibo ang mga babae sa
kanilang pangangailangan kung saan nakapaloob nga dito ang temang “ Kapakanan
ni Juana, isama sa Agenda”.
No comments:
Post a Comment