Posted March 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nauuso na naman
umano ngayong panahon ng Summer ang mga sakit kagaya ng sore eyes, pag-susuka,
rushes at iba pa na may kinalaman sa panahon ng tag-init.
Kaya naman may
paalala ngayon ang Aklan Provincial Health Office (PHO) sa publiko na mag-ingat
at wag basta-bastang lumabas ng bahay dahil sa sakit na pwedeng dumapo sa kanilang
katawan.
Ayon kay Dr.
Cornelio Cuachon, Provincial Health Officer ng PHO-Aklan, kung makaranas umano
ng isa sa mga sakit na uso ngayong tag-init ay agad na kumunsulta sa malapit na
pagamutan para mabigyan ng agarang medikasyon.
Sa kabila nito, nag-paalala
din si Cuachon sa mga nag-babalak na pumuntang beach na magdala ng sun-block
upang ma-proteksyunan ang kanilang balat sa sunburn na isa sa itinuturing na
sanhi sa pagkakaroon ng cancer sa balat.
Maliban dito,
pinayuhan din nito ang lahat na huwag masyadong i-expose ang balat sa init,
uminom ng maraming tubig at magsuot ng light colored na damit para hindi
masyadong mainit sa paningin.
No comments:
Post a Comment