Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ini-reklamo ng
isang costumer ang staff ng isang Bar sa station 1 Balabag, Boracay kaninang
2:50 ng madaling araw matapos umano itong maghamon ng away.
Nakilala ang
biktima na si Joss Cyril Abatayo 27-anyos, isang turista at temporaryong
nakatira sa isang hotel sa Boracay.
Sumbong ni
Abatayo sa Boracay PNP, nag-iinuman umano sila sa loob ng bar ng lapitan sila
ng isang staff nito at pinagsabihan na magsasarado na sila kung saan sinabi din
umano nito sa inirereklamo na hindi pa naubos ang kanilang inorder na alak.
Dahil dito,
nagalit umano ang suspek at pinatay ang electric-fan at pinilit silang paalisin
sa lugar.
Ngunit ng nasa
labas na umano sila ay kung ano-ano pang masasamang salita ang binitawan sa
kanila ng suspek kung saan pati umano sa pagsakay nila ng tricycle ay tinangka
pa silang lapitan at hinamon ng away.
No comments:
Post a Comment