Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa paggunita ng
Fire Prevention month ngayong buwan ng Marso, isang sunog naman ang sumiklab sa
Puka Beach, Yapak Boracay alas-10 kagabi.
Ayon kay Fire
Officer 3 Franklin Arubang ng Bureau of Fire Protection (BFP) alas- 10 kagabi
ng makatanggap sila ng tawag na may nangyayaring sunog sa nasabing lugar na agad
naman nilang ni-respondihan.
Sinabi nito na
nag-simula ang apoy sa kusina ng Camayan Restaurant na pagmamay-ari ni Nadia
Salibio kung saan mabilis din itong kumalat sa buong kainan dahil sa gawa
lamang ito sa light materials.
Samantala,
tinayatang umabot sa mahigit kumulang P60, 000 ang pinsala sa nangyaring sunog kung
saan idi-neklara rin itong fireout alas dakong 10:30 kagabi.
Nabatid na wala
namang nasaktan sa nangyaring insidente kung saan ini-embistigahan pa ngayon ng Boracay BFP ang sanhi sa nangyaring
sunog.
No comments:
Post a Comment