Posted March 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patay sa Pulmonary arrest ang isang turistang British national
nitong ala-ona ng hapon sa Sitio. Tulubhan Brgy. Manoc-manoc Boracay.
Sa report ng Aklan Police Provincial Office (APPO),
nakatanggap umano ng tawag ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) mula sa
Metropolitan Doctors Medical Clinic na merong dinala doon na pasyenteng British
national.
Nakilala ang namatay na si William Servis, 77-anyos at
pansamantalang nakatira sa nasabing lugar.
Nabatid na ang ikinimatay ng biktima ay Pulmonary arrest secondary
to chronic obstructive pulmonary disease kung saan nakatakda namang dalhin ang
labi nito sa isang punerarya sa bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment