Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi pa umano natatanggap ng Department of
Education (DepED) Aklan ang donasyon ng Philippine Amusement and Gaming
Corporation (PAGCOR).
Ito’y matapos na nagpahayag ang Pagcor na
magbibigay sila ng dalawang bilyong pisong donasyon sa DepED para sa mga
eskwelahan na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Aklan Division Physical Facilities
Coordination Marivic Tolentino, marahil ay ang pamunuan na ng DepEd ang magbibigay
nito sa kanila para sa tuluyang pagsasaayos ng mga nasirang paaralan noong
kasagsagan ng bagyo.
Sa ngayon umano ay temporaryo na ring naisaayos ang
mga nasirang paaralan sa tulong na rin ng mga stakeholders, private individuals
at ng mga lokal na pamahaalan sa probinsya.
Nabatid na ang P2 billion na pondo mula sa PAGCOR
ay gagamitin para sa construction ng mahgit sa 2,000 classrooms sa area ng
Palawan at Romblon kasama na ang mga probinsya ng Aklan, Capiz, Iloilo, Bogo
City, Cebu, Samar, Eastern Samar, Leyte, Ormoc at Tacloban.
Sa huling tala ng DepEd tinatayang nasa 5,900
classrooms sa Visayas at Region 4 ang lubos na nawasak noong super typhoon
Yolanda habang 14,508 ang bahagyang nasira.
Sa ngayon halos isang daang porsyento na ring
bumalik sa normal ang klase sa buong probinsya ng Aklan matapos ang pananalasa
ng bayong Yolanda mahigit dalawang daan na ang nakakalipas.
No comments:
Post a Comment