Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nanatili parin umanong nakabinbin sa ngayon ang
budget para sa mga Street Lights sa isla ng Boracay.
Ayon kasi kay Sangguniang Panlalawigan (SP)
Secretary Odon Bandiola.
May ilang mga lugar sa Region 6 ang iniimbestigahan
rin dahil sa modus ukol sa pekeng Special Allotment Release Order (SARO) kung
saan iniimbestigahan din ngayon ng NBI.
Una naring sinabi ng Department of Budget and
Management (DBM) sa ilang mga payahagan na
patuloy parin sa ngayon ang imbestigasyon ng NBI sa mga sinasabing
pekeng SARO.
Ayon sa isang ulat, base sa inisyal na
imbestigasyon ng NBI, natuklasan ng DBM ang paglabas ng mga pekeng SARO matapos
magtungo sa regional office ng Department of Agriculture (DA) ang isang staff
ng isang kongresista sa Region 2.
Bukod sa Region 2, may mga nagtatanong na rin umano
patungkol sa SARO mula sa CALABARZON, Western Visayas at Davao Region.
Sa ngayon, ito ang tinitingnan sa ilang mga dahilan
kung bakit nanatili paring nakalutang ang pagkakaroon ng budget para sa mga
street lights sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment