Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinagsusumite ngayon ng maritime report ang isang
motor banca at speed boat matapos na
magbanggaan sa Caticlan, Malay, Aklan.
Ayon kay PO1 Condrito Alvarez ng Philippine Coast
Guard (PCG) Caticlan Substation.
Nangyari ang insidente kaninang alas saes ng umaga
sa tinatayang 300 meters ang layo sa pagitan ng Caticlan at Cagban Jetty Port.
Ayon sa imbestigasyon ng PCG-Caticlan, papunta umano ang motor banca sa Cagban Jetty Port
habang papunta naman ng Caticlan Jetty Port ang nasabing speed boat ng hindi
umano napansin nito ang parating na motor banca.
Ayon pa sa report, mabilis ang takbo ng speed boat
dahilan nang hindi agad nito napansin ang nakasalubong na sasakyan.
Samantala, aminado naman umano ang driver ng speed
boat na may pagkukulang ito sa pagmamaneho.
Wala namang nasugatan o anumang pinsala na naidulot
sa nasabing banggaan, kung saan kasalukuyan naman ngayong nasa welcome center
ang dalawang sasakyan para sa kaukulang disposisyon.
No comments:
Post a Comment