Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Muli ngayong binigyang linaw ng pamunuan ng Cagban Jetty Port
ang mga nagrereklamo hinggil sa pagpapatupad ng “No Sticker, No entry Policy”
sa nasabing port.
Ito ay matapos na bahagyang nagkagulo kaninang umaga sa
pagitan ng mga opisyales ng port at ng mga vehicle operators dahil sa hindi
pagpapasok sa mga ito.
Ayon kay Special Operation 3 Jean Pontero ng Cagban Jetty
Port, sinusunod lang nila ang pagpapatupad ng accreditation sa port para sa mga
vehicle operators pero kaagad naman umano na naayos ang hindi pagkakaunawaan sa
pagitan ng mga ito kanina.
Matatandaang ngayong araw na Enero saes ang deadline kung
saan hindi na papayagang makapasok ang mga sasakyan na hindi nakapag-renew ng
kanilang mga stickers para sa Cagban Jetty Port.
Dagdag pa ni Pontero, bagamat nasa anim-napung porsyento
na ang nakapag-renew sa mga private vehicles, marami parin sa mga ito ang hindi
alam na mayroong accredidation sa nasabing port para makapasok.
Samantala, nagpapatuloy naman sa ngayon ang pag-proseso
ng accredidation para sa mga vehicle operators.
Payo nito na mas maagang pumunta umano sa Cagban Jetty
Port, dalhin ang unit ng sasakyan kung saan available din ang mga forms na
aaplyan ng mga operator, at kapag nakapasa na umano ito sa accredidation ay
saka ito bibigyan ng sticker para makapasok sa Cagban Jetty Port.
No comments:
Post a Comment