Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Iginiit ngayon ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) na hindi sila
nagtaas ng singil ng kuryente matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda.
Ito’y matapos magreklamo sa kanilang tanggapan ang ilang kunsumidor dahil
sa umano’y pagtaas ng kanilang bill nitong nakaraang buwan, sa kabila ng pagkawala
ng suplay ng kuryente dahil sa nasabing bagyo.
Ayon kay Engineer Jeffrey Inson ng AKELCO Substation Boracay.
Binabase lang nila ang paniningil ng bill ng kuryente sa kontador ng
bawat tirahan at establisyemento sa isla ng Boracay.
Paliwanag pa ni Inson hindi naman buong buwan nawalan ng kuryente ang
Boracay at ang pinagmulan ng suplay nito ay ang NGCP-PPC sa bayan ng Nabas na
may kataasan ang singil.
Aniya ito ang dahilan kung bakit nagmahal ang bill ng kuryente ng mga
kunsumidor kahit na rotational lamang ang kuryente nitong nakaraang buwan ng
Nobyembre at Disyembre.
Sa kabilang banda nilinaw ni Inson na libre lang magpapalit ng nasirang
kuntador noong bagyong Yolanda.
Kinakailanganan lamang umano itong dalhin sa kanilang opisina para
mapalitan ng bago.
Samantala, isang daang porsyento naring naibalik sa normal ang kuryente
sa probinsya ng Aklan matapos ang kanilang ginawang pagsasaayos at general
clearing nitong nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment