Pages

Monday, January 06, 2014

Donasyon ng PAGCOR sa DepEd Aklan, hindi pa natatanggap

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

PAGCOR donates P2-B to rebuild public schools damaged by typhoon YolandaHindi pa umano natatanggap ng Department of Education (DepED) Aklan ang donasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ito’y matapos na nagpahayag ang Pagcor na magbibigay sila ng dalawang bilyong pisong donasyon sa DepED para sa mga eskwelahan na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Aklan Division Physical Facilities Coordination Marivic Tolentino, marahil ay ang pamunuan na ng DepEd ang magbibigay nito sa kanila para sa tuluyang pagsasaayos ng mga nasirang paaralan noong kasagsagan ng bagyo.

Sa ngayon umano ay temporaryo na ring naisaayos ang mga nasirang paaralan sa tulong na rin ng mga stakeholders, private individuals at ng mga lokal na pamahaalan sa probinsya.

Nabatid na ang P2 billion na pondo mula sa PAGCOR ay gagamitin para sa construction ng mahgit sa 2,000 classrooms sa area ng Palawan at Romblon kasama na ang mga probinsya ng Aklan, Capiz, Iloilo, Bogo City, Cebu, Samar, Eastern Samar, Leyte, Ormoc at Tacloban.

Sa huling tala ng DepEd tinatayang nasa 5,900 classrooms sa Visayas at Region 4 ang lubos na nawasak noong super typhoon Yolanda habang 14,508 ang bahagyang nasira.

Sa ngayon halos isang daang porsyento na ring bumalik sa normal ang klase sa buong probinsya ng Aklan matapos ang pananalasa ng bayong Yolanda mahigit dalawang daan na ang nakakalipas.

No comments:

Post a Comment