Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
‘Ok’ kay BFI President Jony Salme ang pagbaon ng BRTF o Bo racay
Redevelopment Task Force sa mga tinibag na sea wall sa station 1.
Katunayan, sinabi ni Salme na kampante ito na sinusunod ng nasabing
Task Force ang lalim ng hukay kung saan ibabaon ang mga tinibag na seawall,
base sa kanilang napagkasunduan.
Napag-aralan na rin umano kasi ng BRTF na dapat, hindi abutin ng tubig
ang hukay upang hindi tumambad ang mga tinibag, kagaya umano sa kanilang ginawa
sa North side ng isla.
Bagama’t kasalukuyan silang nagsi-self demolish ng kanilang sea wall.
Sinabi pa ni Salme na ipinaubaya na lamang nila sa BRTF ang lahat,
upang hindi na sila pa ang humakot, kungdi ibabaon na lamang.
Samantala, nangako din ito na kanyang titingnan bukas ang operasyon ng
BRTF, upang makapagsuhestiyun na dagdagan ang lalim na hinukay ng backhoe.
Nabatid na kasalukuyang nasa bayan ng Kalibo si Salme, habang kusang
pinagigiba ang kanilang seawall.
Sinimulan kahapon ng demolition team ng BRTF ang paggiba at pagbaon sa seawall ng mga Elizalde sa Boracay.
No comments:
Post a Comment