Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bibigyan pansin ngayon ng SB Malay ang naging kahilingan ni Malay Mayor
John P. Yap kaugnay sa Boracay bridge project.
Ito’y upang magkaroon ng kapangyarihan ang alkalde na pumasok sa isang Memorandum
of Agreement sa pagitan ng Daewoo Engineering and Construction Co. Ltd.
Ang nasabing MOA ay tungkol sa construction ng Boracay Bridge Project
na eo-operate sa ilalim ng Build-Operate-Transfer o BOT project package.
Sa naging session sa Malay nitong Martes sinabi ni SB Member Floribar
Bautista na iimbitahin nila ang management ng Daewoo Engineering and
Construction Co. sa susunod na session.
Mahalaga umano na malaman nila ang plano at kapasidad ng Daewo sa
Boracay bridge project maging ang kanilang company background.
Kaugnay nito ini-refer o ipinasa naman ni Malay Vice Mayor Wilbec
Gelito ang planong pagkakaroon ng tulay sa Boracay sa Committee on Laws at
Committee on Public Works and Hi-ways.
Biro pa ng ilang konsehales, ok umanong magkaroon ng tulay papuntang
isla ng Boracay para maiwasan na ang mga nangyayaring problema sa Jetty Port.
Samantala, nabatid na ang Daewoo ay isang Worldwide Construction
Company na may hawak ng ibat-ibang proyekto sa ibat-ibang bansa.
No comments:
Post a Comment