Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Patay ang isang myembro ng Municipal Axially Police (MAP) matapos
mabaril ng Security Guard ng isang resort sa Boracay.
Ayon sa imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Nakilala ang biktima kay Lucas Gelito Y Santos III, 37, residente ng
Brgy. Manoc-manoc Boracay, Malay, Aklan at isang MAP member.
Samantala, nakilala naman ang suspek kay Jerwin Tobilla Y Tiaga, 40,
security guard ng Laguna de Boracay Resort.
Ayon sa report ng Boracay PNP, nangyari ang insidente bandang alas 7:45
kaninang umaga kung saan nabaril ng duty security na suspek ang biktima sa loob
ng nasabing resort gamit ang isang shotgun.
Matapos ang pangyayari ay agad umanong tumakas ang suspek,
samantala dinala naman ang biktima sa ospital subalit sa kasamaang palad ay
ideneklara na ito ng doctor na “dead on arrival” bandang alas 8:45 ng nasabi
ring araw dahil sa seryosong tama sa dibdib nito.
Samantala, narekober naman sa pinangyarihan ng
krimen ang nasabing armas at kasalukuyang nasa BTAC ngayon para sa kaukulang
disposisyon.
Lumabas rin sa report ng mga kapulisan na ang suspetsado
ay mayroong naka-pending na kaso sa ilalim ng Criminal Case No. 1293-M for
attempted Homicide sa 5th MCTC Malay-Buruanga Aklan.
Hindi naman malinaw sa ngayon ang motibo sa krimen kung
saan patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng Boracay PNP para sa nasabing kaso.
No comments:
Post a Comment