Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ibinida ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) ang kanilang accomplishment report para sa taong 2013.
Ilan lamang sa mga ibinida ng Boracay PNP ang umano’y
matagumpay na kampanya nito laban sa mga illegal na droga.
Base sa ipinadalang press release ng BTAC.
Umabot sa 26 ang naaresto na may mga kasong non-bailable
ang naisampa sa korte suprema, mula sa kabuuang 22 operasyon na kanilang
naisagawa.
Samantala, isa din umano sa mga pinakamalaking accomplishment
ng Boracay PNP ay ang pagkaka-recover ng 16 na pirasong transparent plastic
bags na may humigit kumulang 8” x 10” ang haba at naglalaman ng shabu, isang extended
magazine ng Cal .45 pistol, at 18 live ammunitions of Cal .45.
Nagawa rin umano ng mga itong sugpuin ang iba’t-ibang
klaseng krimen tulad ng illegal gambling kung saan naaresto ang 21 na mga
wanted persons.
Sa kampanya laban sa pagnanakaw, 21 mga kaso umano
ang inihain sa mas mataas na hukuman na may 43 suspects na naaresto mula sa 43 na
mga operasyong isinasagawa.
Ipinagmalaki rin ng Boracay PNP ang TOP 20 passers
nito sa NAPOLCOM Promotional Examination, kung saan 17 din ay na-promote sa mas
mataas na ranggo ng Police Officer 3 at Police Officer 2, at ang pagtanggap ng
award sa Police Regional Office 6 Headquarters in Camp Delgado, Iloilo City.
Samantala, patuloy parin umano sa ngayong nakatutok
ang Boracay PNP sa mga kaso patungkol sa land dispute, commercial sex workers,
lady boys o gay prostitutes, menor de edad, illegal drugs, at iba pang mga
pasaway sa isla.
No comments:
Post a Comment