Umabot sa mahigit kumulang 200 na residential at boarding
houses ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog kaninang umaga sa Sitio
Ambulong, Manocmanoc isla ng Boracay.
Tumagal ang sunog ng tatlong oras na nag-umpisa bago mag
alas nuebe ng umaga at idineklang fire out bago mag alas dose ng tanghali.
Pahirapan ang pag apula ng apoy dahil sa dikit-dikit ang
mga kabahayan at gawa sa light materials.
Malayo rin ito sa kalsada kaya hindi ma penetrate ng mga
bumbero ang lugar.
Sa pagtantya, umabot sa tatlong hektarya ang lawak ng
sunog na mabilis ang pagtupok ng istraktura dahil sa malakas na hangin.
Sa kasalukuyan, nasa 550 na pamilya, 430 boarders, habang
245 na kabahayan ang totally damage at dalawang bahay ang partially damage.
Ang Manocmanoc covered court sa naturang barangay ang
nagsilbi ngayong temporaryong evacuation center habang patuloy ang ginagawang
validation sa mga biktima.
Samantala, patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi at
damages ng sunog.
No comments:
Post a Comment