Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Bilang aksyon sa tumataas na kaso ng dengue sa ibat-ibang
rehiyon sa bansa, magpapasa ngayon ng resulosyon ang Lokal na Pamahalaan ng
Malay upang maiwasan at hindi na dumami pa ang mabiktima ng sakit na dengue.
Kahapon, sa isinagawang meeting kasama ang ibat-ibang
department heads ng LGU Malay, stake holders at iba pang ahensya ng gobyerno,
napagkasunduan na magpasa ng resolusyon para hikayatin ang mga paaralan at
barangay sa isang malawakang “Clean Up Drive”.
Ang “Clean Up Drive” ay isang paraan upang suyurin ang
mga area na marurumi kung saan naninirahan ang mga lamok at hindi na
makapinsala ng buhay ng tao.
Ang schedule ng paglilinis ay araw ng Miyerkules sa mga
paaralan na magsisimula sa alas syete ng umaga at araw ng Sabado sa alas-otso
ng umaga.
Hinikayat naman ni Malay Acting Mayor Frolibar Bautista
ang mga Barangay Captains at Paaralan na gawin ang 4 o’clock habit o paglilinis
sa mga area na maaaring pamugaran ng lamok.
Samantala, ire-reactivate naman ang Barangay Dengue
Monitoring Task Force at magkakaroon din ng Municipal Dengue Monitoring Task
Force bilang tugon upang masawata ang nakakamatay na sakit.
No comments:
Post a Comment