Posted October 21, 2019
CTTO |
Muling nasakote sa ikinasang buy bust operation ang dati
ng nakulong dahil sa pagbebenta ng iligal na droga kaninang madaling araw sa
Sitio Angol, Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan.
Ang suspek ay si Kim Cahilo, 23-anyos, walang trabaho at
residente rin ng naturang lugar.
Naaresto ang suspek sa pinagsamang pwersa ng Malay PNP,
2ND Aklan PMFC, 605TH Maritime at PDEA 6 matapos itong mabilhan ng dalawang
sachet ng suspected shabu nang nagpakilalang poseur buyer kapalit ng P 1,
100.00 na buy bust money.
Samantala, nakuha pa sa ginawa umanong body search ng
Malay PNP ang apat pang sachet ng ipinagbabawal na droga.
Nabatid, kasama umano itong si Cahilo sa Community Based
Rehabilitation Program (CBRP) at nakalabas ng kulongan sa pamamagitan ng
Plea-Bargaining.
Paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002 ang kaso ng suspek.
No comments:
Post a Comment