YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 11, 2019

Neuro-exam para sa bagong Malay Auxiliary Police – Bautista

Posted July 9, 2019
Inna Carol Zambrona, Yes The Best Boracay NEWS DEPARTMENT

No photo description available.
(ctto)
Nais ngayon ni Malay Acting-Mayor Frolibar Bautista na pakuhanin muna ng “ Neuro-Phsycological Assessment and Evaluation Exam” ang lahat ng aplikante bago tanggapin na maging miyembro ng MAP o Malay Auxiliary Police.

Sa panayam kay Bautista, marami umano siyang natatanggap na reklamo kaugnay sa performance o trabaho ng ilang miyembro ng MAP.

May iilan na patambay-tambay lang at walang ginagawa at karamihan ay walang kakayahan na gampanan ang kanilang tungkulin.

Aniya ang MAP ay frontliner ng isla kaya dapat sila mismo ay alam ang mga ordinansa na dapat ipinapatupad sa buong bayan ng Malay.

Sinabi pa nito na kahit kaunti lang basta’t inaayos nila ang kanilang trabaho ay wala siyang problema.

Aminado ito na may mga mga “political accomodation” na nagyayari sa pagpili ng kawani sa LGU subalit mahalaga pa rin aniya na dapat ay may kakayahan at kapasidad ang mga empleyado ng gobyerno.

Samantala, nauna ng sinabi at hinamon ni Bautista ang mga nagta-trabaho sa LGU-Malay na mag “ Level Up” sa serbisyo dahil ito umano ang susi para sa mas maunlad na Malay.

No comments:

Post a Comment