Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Mahigit P 90-million ang hindi pa umano nababayaran ng
Local Government Unit ng Malay sa ECOS Sanitary Landfill and Waste Management
Corporation kaugnay sa mga basurang hinahakot sa isla patawid sa Kabulihan
sanitary landfill.
Ayon kay Oliver Zamora, President ng ECOS, ang halaga na
ito ay kabuuang bayarin para sa anim na buwan nilang operasyon buwan ng
Enero hanggang Hunyo.
Sa kabila ng ganito kalaking halaga na sisingilin pa sa
LGU-Malay, ayon kay Zamora ay patuloy ang operasyon ng ECOS dahil ito ang
kanilang obligayon sa pinasok nilang 15-taon na kontrata.
Bagamat aminado sila ngayon na gipit sila sa pondo,
organisado parin ang operasyon at nasusunod ang Republic Act 9003 o Ecological
Solid Waste Management Act in the garbage collection and disposal.
Inaayos na rin nila ang isyu sa hauling na naunang
inireklamo ng mga residente sa mainland Malay dahil sa mabahong amoy ng mga
dumaraang garbage truck doon.
Samantala, hinihintay nalang nila na mapag-usapang muli
ang tungkol sa bayarin ng LGU-Malay kapag naka-upo na ang mga bagong halal
simula Hulyo.
Kung maaalala, ang ECOS ay kinontrata ng LGU-Malay sa
pamamagitan ng PPP o Public-Private Partnership para hakutin ang lahat ng
basura sa Boracay.
Useful article, thank you for sharing the article!!!
ReplyDeleteWebsite bloggiaidap247.com và website blogcothebanchuabiet.com giúp bạn giải đáp mọi thắc mắc.