YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, July 17, 2019

Inter-Agency Task Force naglatag ng pansamantalang solusyon , humiling ng pag-unawa sa publiko

Posted July 17, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: outdoorHumiling ngayon ng pag-unawa ang Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group sa publiko matapos ang naranasang pagbaha sa ilang bahagi ng Boracay kahapon sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Falcon.

Sa ginawang press conference, umapela si GM Natividad Bernardino ng BIARMG ng kaunting pasensya at pagunawa lalo na sa mga turista at residente dahil hindi maiiwasan na magkaroon ng pagbaha lalo’t hindi pa tapos ang proyekto ng gobyerno sa nagpapatuloy na rehabilitasyon.

“ We are doing something to mitigate these flooding in low lying areas while there is on-going constructions” ani Bernardino.

Alam din nito na mataas ang ekspektasyon ng lahat na maayos na ang Boracay dahil sa ginawang rehabilitasyon subalit paliwanag nito na hindi naman agad agad na matatapos ito dahil marami silang ikinukonsidera pagdating sa construction side tulad ng sa TIEZA at DPWH.

Kahapon, nagtulong-tulong ang mga water concessionares na mahigop ang tubig-baha sa Dmall at Ambassador road area para madaanan na ng mga motorista.

Ayon kay Engr. Noel Fuentebella ng DPWH, balak nilang i-elivate ang kalsada malapit sa Ambassador pero mangyayari lang ito kapag mailatag na nila ang drainage system na magkukonekta mula City Mall pababa ng 24/7 palabas ng Bolabog STP.

Samantala, aminado naman si Engr. David Capispisan ng TIEZA na mabagal talaga ang trabaho ng kanilang mga kinontrata sa proyekto dahil hindi raw madali ang paglatag ng drainage line.

Maliban dito, hindi pa nag-ooperate ang existing pumping station na magkukonekta sa drainage system ng TIEZA rason na hindi agad ma pump ang tubig ulan sa mga mababang area tulad ng sa Dmall at ibang low lying areas.

Umaasa naman ang task force na maiibsan ang problema sa baha oras na matapos na ang mga infrastructure project ng TIEZA bago ang May 2020.

No comments:

Post a Comment