Posted October 14, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMET
Suportado ni Malay Acting Mayor Frolibar Bautista ang
planong paglagay ng tulay na magdudugtong ng mainland Malay at Boracay.
Ayon kay Bautista, dalawang linggo ang nakalipas
nagpresent na umano sa mga Departments Heads at ang kompanyang magpapatayo ng
naturang tulay para sa total development nito.
Pero bago umano ito maisakatuparan, nito na
kailangan dapat ay may magandang access at may tatlo itong pinagpipilian.
Ito umano ay Cable Car, Tulay, o Tunnel under water.
Sakali umanong matuloy ang proyekto, isa umano sa mga
advantage nito ay mapadali ang paghahakot ng basura papuntang mainland Malay at
kung may emerhensya at masama ang panahon.
Dagdag pa nito kailangan ng proper planning kung maganda
ba o hindi ang epekto ng planong pagtatayo ng tulay.
Iginiit naman ni Bautista na suportado niya itong
proyekto bastat magbigay lang ng plano para sa ikakaganda ng isla.
Sa kabilang banda, kuntento naman ang Acting Mayor sa
nagpapatuloy na rehabilitasyon ng Boracay.
Lalo na umano’t muling kinilala ito ng
international magazine na Conde Nast Traveler bilang pinakamagandang isla ang
Boracay.
No comments:
Post a Comment