Inna Carol
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
(ctto) |
Wala ng buhay ng isugod sa hospital ang isang lalaking
hindi na pinangalan matapos umanong malunod kaninang sa isla ng Boracay.
Ayon kay Philippine Coast Guard Commander Marlowe
Acevedo, ang biktima ay 40 na taong gulang at isang bakasyonista.
Ayon sa inisyal na report ng MDRRMO Malay, nakatanggap ng
tawag ang sea patrol na may humihingi ng saklolo sa snorkeling area sa
Crocodile Island sa Sitio Tambisaan, ManocManoc.
Sa pagresponde nila sa area ay wala ng malay ang biktima
at agad na isinugod sa St. Gabriel Hospital Boracay.
Matapos suriin ay idineklara naman itong DOA o Dead on
Arrival ng attending medical staff ng ospital.
Samantala, ayon kay Acevedo inaalam pa nila ang dahilan
ng pagkamatay ng biktima at kung ito ba ay inatake sa puso bago nalunod.
No comments:
Post a Comment