“Walang pwersahan na mangyayari na pababain siya pero ang
dismissal sa kaniya ng Ombudsman is still in effect”.
Ito ang pahayag ni MLGOO Mark Delos Reyes matapos umupo
kahapon si Malay Mayor-elect Ceciron Cawaling.
Bago nito, naglabas ng advisory si DILG 6 Regional
Director Engr. Ariel Iglesia noong June 27, 2019 na ang Office of the Mayor ng
Malay ay ‘pansamantalang mababakante’ sa rason na si Cawaling ay na-dismissed
na sa serbisyo noong April 24, 2019.
Bagamat nag-file ang kampo ni Cawaling ng MR o Motion for
Reconsideration na kinikwestyon ang desisyon ng Ombudsman, hindi umano ito
sapat na dahilan ayon sa DILG para maka-upo ang nahalal na alkalde.
Ito rin ang nilalaman ng memorandum na inilabas ni DILG
Secretary Eduardo Año na kailangan pagsilbihan pa rin ng mga nanalong opisyal
ang hatol at penalidad tulad ng (suspension, preventive suspension, at
dismissal).
“Wala tayong Mayor ngayon”.
Ito ang paliwanag ni Delos Reyes hangga’t hindi
ikinokonsidera ni Vice Mayor-elect Frolibar “Fromy” Bautista na uupo bilang
Acting-Mayor.
Dagdag pa ni Delos Reyes, walang bisa at hindi rin daw
kilalanin ng DILG ang lahat ng ng mga transaksyon at pipirmahang dokumento ni
Cawaling.
Nag-aantay na rin umano siya kung ano ang magiging
instruction ng national office ng DILG sa mga susunod na hakbang sakaling
patuloy na manunungkulan si Cawaling sa munisipyo ng Malay.
No comments:
Post a Comment