Posted March 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Itinanggi ngayon
ng Rebulosyunaryong Partido ng Manggagawa-Mindanao ang pagkakadawit ng grupo sa
pagbaril-patay sa Aklanong doktor na si Dreyfuss Perlas nitong Marso 1 sa
Kapatagan Lanao, Del Norte.
Sa sulat na
inilabas ng RPM- RPA, itinanggi nila ang pagdawit sa kasamahan nilang si Ka
Ruben na umano’y suspek sa pagpaslang sa doktor na kalaunan ay napatay ng mga elemnto ng Philippine Army at
PNP sa Bagong Silang, Kapatagan, Lanao Del Norte nitong Marso a-kwatro.
Nabatid na si Ka Ruben
ay bahagi ng isang Political and Military Cadre of the Revulotionary People’s
Army RPA simula ng umalis ito sa kumunistang grupo ng Communist Party of the
Philippines- New People Army-National Democratic Front of the Philippines
(CPP-NPA-NDFP).
Ayon sa
rebolusyonaryong grupo, maliban sa pagpaslang sa kanilang lider ay hindi pa raw
nakuntento ang mga otoridad at idinawit pa si Ka Ruben sa kaso ni Perlas kung
saan kahalintulad din na hustisya ang kanilang hanap.
Paglilinaw din
nila, malaking kawalan si Dr. Perlas sa Lanao Del Norte na nagsilbi sa mga
mahihirap at malalayong area sa Lanao.
Sa kasalukuyan,
nais ng grupo na ipaalam sa publiko na pinalabas na fall guy si Ka Ruben para
pagtakpan umano ang kawalan ng kapasidad ng mga otoridad at sa panawagan ng
agarang hustisya sa pinaslang na doktor.
No comments:
Post a Comment