YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 06, 2017

Salary Increase sa Region 6, aprubado na

Posted March 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

No automatic alt text available.
Photo Credit to the owner
Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB ang pagtaas ng minimum wage sa Western Visayas na maaaring ipatupad epektibo Marso 16 ng taong kasalukuyan.

Sa Wage Order No. RBVI-23 ng DOLE Region 6, may pagtaas ng P25.00 ang minimum wage earners na lagpas sa sampung empleyado na nasa non-agriculture, industrial at commercial establishments.

Ibig sabihin, ang dating P 298.50 ay magiging P 323.50 kapag ito ay ipatupad.

Subalit ayon sa Department of Labor and Employment Region-6 hindi umano lahat ng minimum wage earners ay makakatanggap ng P 25.00 increase sa kanilang sahod.

Ang mga hindi umabot sa sampung empleyado ay nasa P 15.00 lang ang umento, mula               P 256.50 ay magiging P 271.50 na.

Ang agricultural workers lalo na sa mga plantasyon ay makakatanggap ng bagong rate na          P 281.50 mula sa dating P 266.50 at sa non-plantation naman ng P 271.50 na pagtaas kumpara sa P 256.50 na pasahod na arawan.

No comments:

Post a Comment