Posted March 9, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Naging usapin sa ginanap na
8th Regular Session nitong Martes ang tungkol sa pagdeklara ng tatlong area sa
isla ng Boracay bilang economic zone.
Sa naging Priviledge Speech ni Sangguniang Bayan Dante
Pagsuguiron, nabanggit nito ang tungkol sa pagdeklara ng economic zone matapos
itong dumalo sa seminar ng Visayas Economic Summit sa Cebu dalawang linggo na
ang nakakalipas sa pangunguna ng PEZA.
Ayon sa kanya, ang proyektong ito ay magiging maganda
sapagkat magiging mas madali ang pag-iimbita ng mga turista at mga investors na
pumasok sa isla kung saan madadagdagan din ang mga job opportunities lalo na sa
mga Aklanon.
Aniya, oras na ma-ideklara na isang economic zone ang
lugar ang Presidente ng PEZA ang may otoridad na mag- apruba nito.
Nabatid na magbibigay ang PEZA ng 5% galing sa gross
sales nito kung saan ang 3% nito ay mapupunta sa national government habang ang
natitirang 2% ay ilalaan sa Lokal ng Pamahalaan ng Malay.
Samantala, ang usaping ito ay ire-refer sa Committee on
Tourism, Committee on Land Use at Committee on Environment para mapag-usapan ng
mabuti.
Ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ay isang
ahensya na katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) kung saan ito
ang nangangasiwa sa mga operasyon ng negosyo ng mga namumuhunan sa loob ng mga
piling lugar sa buong bansa na kabilang sa PEZA Special Economic Zones at ang
pagbibigay dito ng insentibo.
No comments:
Post a Comment