Pages

Wednesday, March 08, 2017

Rebulosyunaryong Partido ng Manggagawa-Mindanao, itinanggi ang pagkadawit sa pag-paslang kay Dr. Dreyfuss Perlas

Posted March 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Itinanggi ngayon ng Rebulosyunaryong Partido ng Manggagawa-Mindanao ang pagkakadawit ng grupo sa pagbaril-patay sa Aklanong doktor na si Dreyfuss Perlas nitong Marso 1 sa Kapatagan Lanao, Del Norte.

Sa sulat na inilabas ng RPM- RPA, itinanggi nila ang pagdawit sa kasamahan nilang si Ka Ruben na umano’y suspek sa pagpaslang sa doktor na kalaunan ay  napatay ng mga elemnto ng Philippine Army at PNP sa Bagong Silang, Kapatagan, Lanao Del Norte nitong Marso a-kwatro.

Nabatid na si Ka Ruben ay bahagi ng isang Political and Military Cadre of the Revulotionary People’s Army RPA simula ng umalis ito sa kumunistang grupo ng Communist Party of the Philippines- New People Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP).

Ayon sa rebolusyonaryong grupo, maliban sa pagpaslang sa kanilang lider ay hindi pa raw nakuntento ang mga otoridad at idinawit pa si Ka Ruben sa kaso ni Perlas kung saan kahalintulad din na hustisya ang kanilang hanap.

Paglilinaw din nila, malaking kawalan si Dr. Perlas sa Lanao Del Norte na nagsilbi sa mga mahihirap at malalayong area sa Lanao.

Sa kasalukuyan, nais ng grupo na ipaalam sa publiko na pinalabas na fall guy si Ka Ruben para pagtakpan umano ang kawalan ng kapasidad ng mga otoridad at sa panawagan ng agarang hustisya sa pinaslang na doktor.

No comments:

Post a Comment