Posted March 9, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Naaresto ang isang lalaki na
may kasong carnapping kahapon ng alas-singko y medya sa Brgy. Nagustan, Nabas.
Sa pinagsamang pwersa ng APPO tracker team sa pangunguna
ni PI Angelito De Jose katuwang ang Nabas MPS, Ibajay MPS, Aklan PIB at Aklan
Provincial Public Safety Company o APPSC, nadakip ang suspek na kinilalang si
Carmelo Delfin y Tumbokon, 28- anyos na residente ng Brgy. Agbago, Ibajay sa
bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 13472 para sa kasong
carnapping.
Ang nasabing kautusan ay inisyu ni Hon. Ronald H.
Exmundo, Presiding Judge ng RTC 6th Judicial Regional Branch 7, Kalibo, Aklan
noong ika - 31 ng Enero taong kasalukuyan.
Samantala, wala namang nakalaang pyansa para sa
pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado.
No comments:
Post a Comment