Posted March 8, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Sa pinagsamang pwersa ng APPO tracker team sa pangunguna
ni PI Angelito De Jose kasama ang Ibajay MPS, Aklan PIB at Aklan Provincial
Public Safety Company o APPSC ay nahuli ang suspek na si Loreto Sangyahon Y
Ambrocio na residente ng Hinueogan, Brgy.Talon, Altavas sa bisa ng Warrant of Arrest
na may Criminal Case No. 2544 para sa kasong murder.
Ang nasabing kautusan ay inisyu ni Hon. Manuel M.
Barrios, Presiding Judge ng RTC 6th Judicial Regional Branch 21, Mambusao,
Capiz noong ika - 26 ng Abril taong 2000.
Samantala, wala namang nakalaang pyansa para sa
pansamantalang kalayaan ng nasabing akusado.
No comments:
Post a Comment